CAPAS, Tarlac - Isang dalaga ang lumuluhang dumulog sa himpilan ng Capas Police para ireklamo ng panghahalay ang sarili niyang tiyuhin sa Barangay Cristo Rey, Capas, Tarlac.

Inireklamo ng 20-anyos na biktima ang tiyuhing si Reynaldo Baluyut, nasa hustong gulang, ng nasabing barangay.

Napag-alaman na stay-in helper ang biktima sa bahay ng suspek at dakong 3:00 ng hapon nitong Sabado nang katukin ni Baluyut ang pamangkin at gahasain.

Ayon sa report, pinagbantaan ng suspek ang biktima na papatayin ang ama ng huli kapag nagsumbong sa awtoridad. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog