“IPANALO ang Pamilyang Pilipino” ang napapanahong tema ng bagong summer station ID ng ABS-CBN na mapapanood simula bukas ( Lunes, March 7) pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN. 

Dahil papalapit na ang halalan, ang mensahe ng bagong station ID sa mga Pilipino ay pumili ng mga kandidato na kayang manindigan para sa pamilyang Pilipino -- mga lider na mapagkakatiwalaan at aaksiyon sa mahahalagang isyu para sa bawat pamilya sa bansa.

Tampok sa station ID ang Kapamilya stars, ABS-CBN News anchors, at ABS-CBN executives na magpapaalala sa atin na magdesisyon nang tama ngayong halalan para hindi na muling maranasan ang graft at corruption, at iba pang maling gawain sa pulitika.

Abangan sa Halalan-inspired summer station ID sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Noli “Kabayan” de Castro, Bernadette Sembrano, at Ted Failon, at Charo Santos-Concio. Makikita sila sa lansangan, pamilihan, paaralan, at mga lugar na lugmok sa kahirapan kasama ng taumbayan at ilalahad ang kanilang hangarin para sa mga susunod na lider ng bayan. Ang Kapamilya stars na tumatakbo, may iniendorso, o kaya ay kaanak ng isang kandidato ay hindi isinama sa station ID.

Tsika at Intriga

'Unbothered?' Karen Davila, nag-flex ng larawan kasama ang pamilya Laude

 

Sina Piolo Pascual at Sarah Geronimo ang kumanta ng theme song kasama sina Ebe Dancel at Elmo Magalona. Kasama nila ang mga bigating pangalan sa larangan ng musika na sina Erik Santos, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Jed Madela, KZ Tandingan, Richard Poon, Morissette, Bradley Holmes, Jason Fernandez, Daryl Ong.

Ang ABS-CBN Creative Communication Management Division (CCM) ang bumuo ng “Ipanalo ang Pamilyang Pilipino” station ID. Sa inspirasyon ng musical composition ninaThyro Alfaro at Yumi Lacsamana, binigyan ng espesyal na areglo ang station ID theme song nina Marcus Davis at Jan Duran. SinaLloyd Oliver Corpuz at Christian Abuel naman ang sumulat ng titik ng kanta.

 

Sa pamamagitan ng Integrated News Division, nailunsad na ng ABS-CBN ang isang malawak, malalim, at mabilis na news coverage sa pambansang eleksyon na may temang “Halalan 2016: Ipanalo Ang Pamilyang Pilipino.” Simula pa noong nakaraang taon, ilang serye na ng special reports tungkol sa halalan ang naipalabas sa “KampanyaSerye,” kasama pa ng mga debate, forum, mobile application, citizen journalism at engagement ng “Bayan Mo, i-Patrol Mo” na isinasagawa ng iba’t ibang sangay ng ABS-CBN News.