Dalawang pulis at limang sundalo ang nasugatan makaraang masabugan ng bomba sa magkahiwalay na insidente sa Maguindanao at Compostela Valley nitong Biyernes at Sabado.

Sa unang insidente, ayon sa Guindulungan Municipal Police, dakong 9:00 ng gabi nitong Biyernes at nagpapatrulya sa national highway sa Barangay Bagan ang mga pulis nang pasabugin ng mga hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang bomba na itinanim nila sa kalsada.

Nasugatan sa mga shrapnel sina PO2 Abdulrahman M. Lampak at PO3 Modaire I. Salibo, habang nagtamo rin ng pinsala ang sinasakyan nilang Mahindra jeep.

Samantala, sa roadside bombing din sa Mabini, Compostela Valley nasugatan ang limang sundalo, dakong 12:45 ng tanghali kahapon, ayon kay Capt. Rhyan B. Batchar, public affairs officer ng 10th Infantry Division ng Philippine Army.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nagtanim ng nasabing bomba. (Elena L. Aben)