CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga – Dalawang sinasabing kilabot na drug pusher, kabilang ang isang dating bilanggo, ang napatay habang 25 iba pa ang nadakip sa pakikipagsagupa sa mga pulis sa one time big time operations ng awtoridad sa Guagua, Pampanga, nitong Biyernes ng umaga, sinabi ng pulisya kahapon.

Nakumpiska sa operasyon ang kabuuang 205 plastic sachet ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P117,500, sa pagsalakay sa Barangay Natividad, Guagua, ayon kay Pampanga Police Provincial Office director, Senior Supt. Rodolfo Recomono, Jr.

Kinilala ni Recomono ang mga napatay na sina Alvin Gaunzon Calma, dating bilanggo sa National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City; at Jermin Santos Calilung, kapwa taga-Bgy. Natividad, Guagua, Pampanga.

Sinabi ni Recomono na magsisilbi sana ang pulisya ng 10 search warrant laban sa hideout ng mga suspek nang paputukan sila nito, na nauwi sa sagupaan.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nasamsam din ng awtoridad sa nasabing pagsalakay ang dalawang .45 caliber pistol, dalawang .38 caliber revolver, at dalawang .22 caliber rifle. (Franco G. Regala)