Naisalba ng National College of Business and Arts Wildcats ang matikas na ratsada ng PATTS College of Aeronautics Sea Horses tungo sa 25-22, 25-15, 23-25, 25-23, panalo sa Game 1 ng 8th University and Colleges of Luzon Athletic Association (UCLAA) men’s volleyball championship, kahapon sa Marikina Sports Complex.

Naitala ni middle hitter Joshua Vicente ang krusyal na puntos para makaarya ang Wildcats sa maigsing best-of-three title series.

Sa women’s division, nabigo ang NCBA na makahirit ng double victory nang matalo ang Lady Wildcats sa Technological Institute of the Philippines Lady Engineers, 25-9, 25-10, 26-24, sa Game 1 ng kanilang titular showdown.

Nakausad sa finals ang top seeded Lady Engineers nang pabagsakin ang Lady Sea Horses, 25-10, 25-20, 25-13.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pinatalsik naman ng Lady Wildcats ang Lady Griffins, 21-25, 25-23, 25-16, 25-20.

Nakamit naman ng NCBA Wildcats ang unang final slots matapos walisin ang elimination, tampok ang panalo sa PATTS, 25-23, 25-22, 25-21, sa classification stage.