MAGLALABAS na naman ng survey ang Pulse Asia at Social Whether Station (SWS) kaugnay sa katayuan ng mga kandidato, partikular na sa pagkapangulo at pangalawang pangulo. Ang tanong sa nasabing survey: “Kung ngayon ang halalan, sino ang iboboto mo?” Bagamat iilan ang kanilang tinatanong, ang mga ito naman ay kumakatawan sa pangkalahatang interes at damdamin ng kani-kanilang grupo.

Sa huling survey ng Pulse Asia at SWS, muling nanguna si VP Binay, nagtabla sa ikalawang puwesto sina Sen. Poe at Mayor Duterte, at pumangatlo si Mar Roxas. Malaki na nga ang agwat nina VP Binay at Roxas, dumausdos pa si Roxas ng dalawang porsiyento.

Sa bayad na anunsiyo sa mga media, tahasang inendorso ni Pangulong Noynoy sina Roxas at Robredo bilang pangulo at pangalawang pangulo, ayon sa pagkakasunod. Itinaas ng Pangulo ang kamay ng dalawa at itinaya na niya sa laban ng dalawa ang kanyang relasyon sa mamamayan. Sa huling survey din, malaking porsiyento pa rin ng mamamayan ang kuntento sa pamamahala ni Pangulong Aquino. Ito ay nangangahulugan na ang epekto ng mga matitinding batikos sa kanya at sa kanyang programa ay nagbubuhat lang sa limitadong sektor ng lipunan. Kung maipapasa ng Pangulo ang tiwalang ito ng mamamayan sa kanyang mga inendorsong kandidato, makikita sa mga survey na maglalabasan na.

Ipinakita ng Pangulo na buo ang kanyang suporta sa mga ikinakampanya niyang kandidato. Pinabulaanan niya ang kumakalat na intriga na may iba pa siyang kandidato bukod kay Roxas. Kumalat nga ito lalo na nang sabihin ni Sen. Grace Poe na kapag siya ang nanalo, puwede pa rin niyang kunin si Pangulong Noynoy bilang consultant. Para rin kasing kinukumpirma ang tsismis na si Poe ang kandidato ng Pangulo dahil sa pangunguna nito sa survey. Pero, sa paglabas ng Pangulo, luminaw na ang linya ng labanan. Iyong mga nag-aalinlangan pa, lalo na iyong mga pulitiko at political boss na namumuhunan, alam na nila kung saan sila papanig at tataya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Kapag hindi pa rin umangat sa survey si Roxas, nangangahulugan na personal sa Pangulo ang tiwalang iniukol sa kanya ng sambayanan. Walang epekto sa bayan ang kanyang “Daang Matuwid”. Sa isang banda, problemang malaki na ito ni Roxas. Pero, manghihinawa ba ang Pangulo na tulungan pa rin ito? Kung siya ay talagang para kay Roxas, hindi niya iiwanan ito. Pag-iibayuhin niya ang paggamit ng kanyang impluwensiya upang gumana nang lubusan ang kanyang organisadong makinarya. Kaya nga paboritong batikusin ni Duterte si Roxas dahil alam niya na ito ang magaganap.

(RIC VALMONTE)