BATANGAS CITY – Isang pasahero ang namatay habang pitong iba pa ang nasugatan matapos umanong mabangga ng isang closed van ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney sa Bolbok, Batangas City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa St. Camillus De Lellis Hospital ang 49-anyos na si Jayvee Falcatan, matapos magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sugatan naman sina Joyce Blanco, 19; Maria Cecillia Maalihan, 18; Mercedez Dela Paz, 58; Reymart Espeleta, 21; Rogelio Hernandez, 18; Reinalyn Salamo, 24; at Mharinel Llegado, 15 anyos.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang driver ng Mitsubishi Canter Van (RGZ-161) na si Ruel Iglesia, 43 anyos.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 6:30 ng gabi nitong Huwebes, nagbababa ng pasahero ang jeep (DCE-966) na minamaneho ni Berto Fajilagmago nang banggain ng van ang sasakyan mula sa likuran, sa may Diversion Road, Barangay Bolbok. (Lyka Manalo)