Pinanindigan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang “failure of intelligence” kaugnay sa teroristang Maute Group na nakapasok sa Mindanao.
Ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, hindi sila nagkulang sa intelligence monitoring laban sa mga teroristang grupo na pumasok sa bansa at sa pag-atake ng Maute Group sa detachment ng 51st Infantry Brigade ng Philippine Army (PA) sa Butig, Lanao del Sur noong Pebrero 20 na ikinamatay ng 33 katao.
Kasabay nito, nananawagan ang AFP sa taumbayan na patuloy na maging alerto at makipagtulungan sa gobyerno upang mapanatili ang katahimikan ng mga komunidad, lalo na sa mga lugar na posibleng mailagay sa election watchlist areas (EWAs). (Fer Taboy)