Binatikos ng grupo ng kabataan na Anakbayan ang administrasyong Aquino sa umano’y paggamit sa Conditional Cash Transfer (CCT) program upang mamili ng boto para sa pambato ng Liberal Party (LP) na si Mar Roxas.

Ayon sa Anakbayan, may ebidensiya sila sa paggamit ng mga event para sa CCT o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman upang makakalap ng boto si Roxas.

Alinsunod sa batas, ipinagbabawal kay Soliman ang masangkot sa mga “partisan political activity,” na nangangahulugang hindi siya maaaring mangampanya para kay Roxas o para sa sinumang kandidato ng LP, at lalo nang bawal ang paggamit ng pondo ng CCT upang makakuha ng boto para sa pinapaborang presidentiable.

“Out of desperation to let kulelat Mar Roxas win the presidential contest at all costs, the Aquino government is contributing all the resources under its command for the LP campaign,” sabi ni Anakbayan Chairperson Vencer Crisostomo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We should tell Soliman that the CCT is a failure as an anti-poverty measure since it has never reduced the number of poor people in the country. Worse, Soliman spent more than P1 billion to determine who the ‘real poor’ are! The CCT has been taking away funds that should have been directly allotted for social services. For 2016, a total of P64 billion has been allotted for the 4Ps, more than half of the P110.8 billion budget for DSWD,” paliwanag ni Crisostomo.

“The CCTs is being used by the Aquino government to buy votes and get support of local government for the Roxas campaign. 4Ps assemblies have been transformed into election sorties where beneficiaries are threatened with the slashing of doleouts if Roxas doesn’t win the presidency,” dagdag pa ni Crisostomo.

Binanggit din ng Anakbayan ang mga kumalat na litrato sa social media ng paggamit umano sa mga sasakyan at pasilidad ng gobyerno para sa kampanya ni Roxas.

Dahil dito, nanawagan si Crisostomo sa Commission on Elections (Comelec) na idiskuwalipika ang mga kandidato ng LP na gumagamit sa pondo ng gobyerno, kabilang na si Roxas. (Chito A. Chavez)