Inaasahang magsasama-sama ang lahat ng pinakamagagaling na siklista ng bansa sa nalalapit na pagsikad ng Visayas leg ng 2016 Ronda Pilipinas.

Sinabi ni Ronda Pilipinas Project Director Mo Chulani na kaagad na kinumpirma ng 7-Eleven ang partisipasyon ng buong koponan, gayundin ang kontrobersiyal na Cycleline ng Butuan at mga papaangat na siklista mula sa One Panay Riders at Iloilo Cycling Group.

“It will be a tough race in the Visayas,” pahayag ni Chulani.

“All the colorful riders had already confirmed to us that they will be joining our second leg. Plus, we will also have the riders from Mindanao,” aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Maliban sa nagdominang Philippine Navy-Standard Insurance sa nakalipas na Mindanao Leg, sasabak muli ang Team Lutayan na pinamamahalaan ni Datu Pax Mangudadatu at ang Team PCC na suportado naman ng lokal na pamahalaan ng Marbel, South Cotabato.

“Although it is an Open race, we will also be looking out there for new discoveries, fresh talent and those that had the ambitions to become successful in their own way through cycling,” pahayag ni Chulani.

Nagsimula ang Ronda Pilipinas noong Pebrero 20 sa isang road race mula Butuan City pabalik saka isinagawa ang isang criterium sa siyudad sunod na araw at Cagayan de Oro noong Pebrero 23. Sinundan ng ITT sa Dahilayan, Manolo Fortich sa Pebrero 25 bago natapos sa isang criterium sa Malaybalay noong Pebrero 27.

Isasagawa naman sa Visayas leg ang Stage One criterium sa Bago City, Negros Occidental sa Marso 11, Stage Two criterium sa Iloilo City sa Marso 13, ang Stage Three road race mula Iloilo tungo Roxas City sa Marso 15, ang Stage Four criterium at ang Stage Five ITT na gagawin sa Roxas sa Marso 17.

Kukumpletuhin ang Ronda ng Luzon leg na binubuo ng Stage One criterium sa Paseo sa Sta. Rosa, Laguna sa Abril 3, ang Stage Two ITT mula Talisay hanggang Tagaytay sa ikalawang araw, sunod ang Stage Three criterium sa Antipolo City sa Abril 6, ang Stage Four road race mula Dagupan paakyat sa Baguio sa Abril 8 at ang Stage Five criterium sa City of Pines.