Hinimok ni Senator Edgardo Angara ang mga kandidato bilang pangulo sa halalan sa Mayo na ilantad ang kanilang mga plano kaugnay sa turismo ng bansa.

Aniya, dapat na gawing prioridad ng mga kandidato ang industriya ng turismo lalo dahil isa ito sa mga pangunahing pinagkukunan natin ng pondo.

“Sana ang susunod na presidente ay mag-focus sa turismo, lalung-lalo na sa infrastructure development. Kahit anong galing ng promotions o slogan natin, limitado pa rin ang pagsulong ng turismo dahil sa kakulangan sa imprastruktura at pasilidad. Napakaraming paraan kung paano natin mas mapalakas ang sektor ng turismo,” pahayag ni Angara, vice chairman ng Senate tourism committee. (Leonel Abasola)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji