Amare Stoudemire

Pahinga ni LeBron, binira ng Cavs teammate; Heat naglagablab.

WASHINGTON (AP) – Sinamantala ng Wizards ang ibinigay na day off kay Cleveland Cavaliers superstar LeBron James para maitarak ang 113-99 panalo at patatagin ang kampany na makaabot sa playoff ng Eastern Conference.

Wala nang pangamba kay Cavs coach Tyrone Lue dahil sa pangunguna ng Cavs, ngunit tila hindi kumporme sa diskarte ang beteranong guard na si JR Smith.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“If we’re going to play with a lack of energy ... and come out and play the way we did today,we shouldn’t be who we are and be in these uniforms,” pahayag ni Smith, kumana lamang ng walong puntos at apat na rebound para sa Cavs.

“We can’t play basketball like this going down the stretch. ... You talk about contending or being a championship contender and you’re blown out ... and get thrashed, make it look good at the end. We can’t do that. If we’re serious about who we’re supposed to be, we can’t do this,’ aniya.

Ito ang ikalawang sunod na kabiguan ng ng Eastern Conference-leading Cleveland.

Hindi naman sinagot ni James ang tanong ng media hingil sa kanyang hindi paglalaro.

Nanguna sa Wizards si John Wall sa naiskor na 21 puntos, 13 assist at pitong rebound, habang kumana si Otto Porter Jr. ng 20 puntos para makopo ang ikalimang panalo sa huling pitong laro matapos ang All-Star break.

BLAZERS 111, PACERS 102

Sa Indianapolis, hataw si Damian Lillard sa naitumpok na 33 puntos at limang rebounds sa panalo ng Portland Trail Blazers kontra Pacers.

Kumubra sina CJ McCollumn at Gerald Henderson ng tig-19 puntos para sa ikawalong panalo sa siyam na laro ng Trail Blazers. Nag-ambag si Monta Ellis ng 18 puntros, habang tumipa si Jordan Hill ng 15 mula sa bench.

Nagliyab ang opensa ng Blazers sa final period, tampok ang 3-pointer ni Lillard na nagpalawig sa bentahe ng Portland sa 103-83 may 8:03 sa laro.

MAVS 128, WOLVES 101

Sa Dallas, pinatahimik ng Mavericks, sa pangunguna ni Chandler Parsons na kumana ng 29 puntos, ang Minnesota Timberwolves.

Kumana si Parsons ng 13 sunod na puntos sa second period para panatilihin ang double digit ng Mavs.

Nanguna si Shabazz Muhammad sa naiskor na 24 puntos.

HEAT 98, KNICKS 81

Sa New York City, hataw si Dwyane Wade sa naiskor na 26 puntos, habang naisalpak ni Joe Johnson ang unang 3-pointer bilang Heat sa panalo ng Miami kontra Knicks.

Naglaro bilang starter si Johnson, nakuha ng Heat matapos i-buyout ng Brooklyn Nets ang nalalabing isang taong kontrata, at nagtumpok ng 12 puntos.

Ratsada si Hassan Whiteside na may 16 puntos at 11 rebound para sa Heat, nagwagi sa ikalimang sunod na pagtutuos kontra sa Knicks, habang nag-ambag si Luol Deng ng 15 puntos.

Nanguna si Carmelo Anthony sa Knicks sa naiskor na 25 puntos, habang kumana si Robin Lopez ng 14 puntos at 14 rebound.

MAGIC 130, SIXERS 116

Sa Orlando, Florida, kahanga-hanga ang laro ni rookie Mario Hezonja bilang starter sa Magic, hataw sa naiskor na 13 puntos, tampok ang isang dunk sa huling apat na segundo sa panalo kontra Philadelphia 76ers.

Kumana sina Nik Vucevic at Victor Oladipo ng tig-28 puntos, habang tumipa si Aaron Gordon ng career-high 22 puntos para sa Magic.

Nanguna si Jahlil Okafor sa Sixers sa nakubrang 26 puntos.