melindo copy copy

Inatasan ng International Boxing Federation (IBF) si ALA Promotions President Michael Aldeguer na simulan na ang pakikipagnegosasyon para maikasa ang rematch nina Milan Melindo at ex-IBF light flyweight champion Javier Mendoza.

“We are talking to Zanfer Promotions (headed by Fernando Beltran) and hopefully we can bring the title fight to Bacolod City on the undercard of the WBO Light Flyweight defense of Donnie Nietes, most probably against Raul ‘Rayito’ Garcia on May 28,” sambit ni Aldeguer.

Subalit ayon sa batang CEO, nais ng Zanfer na ganapin ang Melindo-Mendoza rematch sa Mexico.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“I told Fernando (Beltran) the last time we went to Mexico. Now we are hoping for Mendoza to come to the Philippines and hopefully it will happen on May 28 on a big card in Bacolod,” aniya.

Plano ni Aldeguer na maisama sa boxing event si “King” Arthur Villanueva na magbabalik aksiyon pagkatapos ng kontrobersiyal nitong pagkatalo kay McJoe Arroyo sa El Paso, Texas noong Hulyo 18, 2015.

Sinisi ni Melindo si American Referee Gerard White sa mali nitong desisyon kung bakit siya natalo sa kanyang IBF light flyweight title bout kontra kay Mendoza.

Iginiit ng Filipino challenger na nagmula sa legitimate punch ang sugat na dinanas ng Mexican sa kaliwang mata nito at hindi sanhi ng accidental headbutt. Subalit nagpasya pa rin si White na itigil ang laban matapos itong ikunsulta sa ring doctor.

Nagkamali ang mga opisyals na ibase ang resulta ng laban mula sa scorecards para mapanatili ni Mendoza ang korona nito dulot ng lopsided technical points decision, samantalang dapat nauwi ito sa 6th round technical knockout na pabor kay Melindo.

“Alam ko na weakness ni Mendoza ang body shots kaya depensa muna ako sa first six rounds at umatake na ko nang maramdaman kong nasasaktan siya sa mga body shots ko,” paliwanag ni Melindo.

Inamin naman ng kilalang trainer na si Edito “Ala” Villamor na tinamaan ng depresyon si Melindo pagkatapos ng laban kay Mendoza na ikalawang talo na nito matapos mabigong mahablot ang WBO/WBA Flyweight titles ni Juan Francisco Estrada sa Macau.

Ang magwawagi kina Melindo at Mendoza ang magiging mandatory contender sa bagong IBF light flyweight champion na Akira Yeagashi ng Japan na tumalo sa Mexican sa 12-round unanimous decision kamakailan. (Gilbert Espeña)