Laking tuwa ng presidential aspirant na si Sen. Grace Poe at ng katambal niya sa May 9 elections na si Sen. Chiz Escudero matapos na iendorso ang kanilang kandidatura ng Nationalist People’s Coalition (NPC), na itinuturing na pangalawang pinakamalaking partido pulitikal sa bansa.

“Senator Poe is extremely grateful to the NPC for endorsing her candidacy to become the country’s next President,” saad sa pahayag ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian.

“She believes that together, she and the thousands of NPC members nationwide can propel the country to become more inclusive and help uplift the lives of our countrymen,” ayon kay Gatchalian.

Naniniwala ang kongresista na malaking tulong ang pag-endorso ng NPC, na itinatag ng business tycoon na si Eduardo “Danding” Cojuangco, Jr., sa kandidatura nina Poe at Escudero na kapwa tumatakbo sa ilalim ng Partido Galing at Puso, sa pangangalap ng karagdagang boto sa buong bansa.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kahapon din inihayag ng pangulo ng NPC na si House Deputy Speaker Giorgigi Aggabao ang desisyon ng partido na suportahan ang kandidatura nina Poe at Escudero sa isinagawang pulong balitaan sa Kamara de Representantes.

“We, of the Nationalist People’s Coalition, wish to announce that we formally adopt Senator Grace Poe-Llamanzares and Senator Francis Escudero as our candidates for President and Vice President, respectively,” binasa ni Aggabao ang isang inihandang statement ng NPC.

“Malaki ang pasasalamat ko sa aking dating partido. Marami kasi ang nagsasabi na mahina kami at walang makinarya, malaking boost ito para magkaroon kami ng presensiya sa mas maraming parte ng Pilipinas,” sinabi naman ni Escudero sa Tuguegarao City, Cagayan nang mangampanya sila roon ni Poe kasama ang kanilang mga senatorial candidate.

Matatandaan na kumalas si Chiz sa NPC bago ang eleksiyon noong 2013.

“Nagpapasalamat kami sa tulong na ibibigay ng NPC pero mananatili kaming independent at hindi kami aanib sa kanilang partido,” giit ni Escudero. (HANNAH L. TORREGOZA)