BANGKOK (Reuters) — Limang mangingisdang Cambodian ang umamin sa panggagahasa at panggugulpi sa mga turistang French sa isang Thai beach, ipinahayag ng Cambodia foreign ministry nitong Martes.
Sinabi ng Thai police na apat na turistang French ang inatake nitong Sabado sa Koh Kood, isang liblib na isla malapit sa hangganan ng Thailand sa Cambodia na kilala sa masukal nitong kagubatan at malinis na dalampasigan.
Ayon sa mga imbestigador, lumangoy ang mga suspek mula sa kanilang mga bangka para atakihin ang grupo at ginahasa at dalawang babae habang tinututukan ng patalim. Nahuli sila habang tinatangkang tumakas.
Ipinahayag ng Cambodian Foreign Affairs Ministry na nangumpisal ang limang mangingisda kay Eat Sophea, ang Cambodian Ambassador to Thailand, na ginahasa at inatake ng mga ito ang mga turista. “It happened while the five fishermen were in a drunk state.”