Mas matinding labanan ang matutunghayan sa gaganaping 2016 Thunderbird Enertone Challenge 5-Cock Derby 2-cock elimination sa Puerto Prinsesa.

May kabuuang 50 entries ang inaasahang maghaharap bukas.

Matatandaang umabot sa 163 entry ang naglunsad ng kampanya sa apat na araw na elimination nitong Pebrero na magkakahiwalay na ginanap sa San Juan Coliseum, Tarlac at Las Piñas.

Sa ikalawang taon nito, siniguro ng organizer ang tumataginting na P2.5 milyon sa napakababang entry fee na P3, 000 plus 20 empty na pakete ng Enertone.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Gaganapin din ang elimination sa San Pascual Cockpit (Batangas City), Marso 2; Las Piñas Coliseum, Marso 2; Sta. Monica Cockpit (Novaliches), Marso 3; New Tarlac Coliseum, Marso 6; San Nicolas Cockpit (Ilocos Norte), Marso 11; Fantastic Coliseum (Alaminos, Laguna – GBLAG), Marso 11; at Magic Island Cockpit Arena (Botolan, Zambales), Marso 11. Nakatakda ang 2-cock preliminaries sa Tayabas Cockpit, Tayabas, Quezon (Marso 12); Tugot Cockpit Arena, Baggay, Cagayan (Marso12); Malvar Sports Complex, Batangas (Marso12); Abucay Cockpit, Bataan (Marso 14); Tanay, Rizal (Marso15) ; Las Pinas Coliseum (Marso 16); Luisiana Cockpit, Laguna (Marso 16); San Fernando Sports Complex, San Fernando, La Union (Marso 16) at Sta. Monica, Novaliches, QC (Marso 17).

Naka-line-up din ang Santa Square Arena, Santa, Ilocos Sur (Marso 18); Cabuyao Coliseum, Laguna (Marso18); Cagsawa Cockpit Arena, Daraga, Albay (Marso 19) ; Twin Creek Cockpit Arena, Bgy. Pingit, Baler, Aurora (Marso20) at SBMA Cockpit, Olongapo (Marso 20).

Gaganapin sa Roligon Mega Cockpit ang 2- cock eliminations sa Marso 17, 27. 29 & 31, habang ang 3-cock championship ay nakatakda naman sa parehong sabungan sa Abril 3.

Sa paanyaya ni Ka Lando Luzong, aabante sa kampeonato ang isang kalahok kung makakaiskor ito ng 2 panalo o 2 puntos sa elimination.