Kris copy

CERTIFIED OTWOLISTA ang Queen of All Media na si Kris Aquino, talagang inabangan niya ang Final Flight ng On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre at may viewing party sila sa bahay.

Matatandaang humingi ng dispensa si Kris sa supporters ng JaDine na hindi na niya masyadong nasusubaybayan ang OTWOL noong ilang linggo siyang nagpahinga at kailangan din niyang sabayan sa pagtulog ang mga anak na sina Josh at Bimby.

Ilang beses din kasing nagpaulit-ulit na sumama ang pakiramdam ni Kris kaya pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga na sinunod naman niya. Habang palagiang nasa bahay, napapanood niya ang mga seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano, at noong hindi pa natatapos ang Pangako Sa ‘Yo.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Pero nitong mga huling araw ay nakasubaybay na ang KrisTV host sa On The Wings of Love dahil kinikilig siya kina Clark at Leah.

Kasama ni Kris ang ilang kaibigan at ang headwriter ng KrisTV na si Darla Sauler sa bahay niya nang panoorin niya ang pagtatapos ng OTWOL. Ang siya pa ang mismong nagluto ng hapunan para sa mga kapwa OTWOLISTAS.

Post nga ni Kris sa kanyang Instagram, “I caught the KISS! Silipin n’yo -- wipe out -- I cooked Swift Corned Beef for my hungry #OTWOLISTAS. Alam n’yo little sincere gestures matter a lot, @nadzlustre finds time to make me kamusta sa text & I was so touched when I was lying low, sa ka-busy-han n’ya, she said may birthday gift s’ya for me & wanted to visit -- plus she shared w/ me before their big reveal na “super happy” siya. Congrats @dreamscapeph!#IStillBelieveInHappilyEverAfter”.

Maging si Darla ay nag-post din ng, “Kanina (Biyernes ng gabi) sa #OTWOLTheLastFlight. Ang saya pero naiinggit ako kina Leah at Clark. Kaya si @kriscaquino, the sweetest as always, ipinagluto kami ng Swift Corned Beef na bago kong paborito. Happy na ako! FOODever lang talaga ang meron ako. Hahaha! Thanks Krisy! Thanks my co-OTWOListas!”

(REGGEE BONOAN)