Ginitla ni Pinoy boxer Jessie Espinas ang local boxing fan matapos niyang patulugin sa ika-walong round si Thai champion at world rated Phaipharob Kokietgym para matamo ang WBO Oriental light flyweight belt kahapon sa Surin, Thailand.

Inaasahan na magiging world champion ng Thailand si Kokietgym na may perpektong rekord na 32 panalo, 25 sa pamamagitan ng knockouts ngunit walang takot na nakipagsabayan ang 23-anyos na si Espinas sa loob ng pitong round bago tinapos ang laban nang mapatulog ang Thai champion.

Bunsod ng panalo, tiyak na magbabalik si Espinas sa world ranking sa pagkuha sa WBO regional belt dahil nakalista si Kokietgym na No. 2 sa WBO, No. 4 sa WBA at No. 6 sa IBF ranking.

Dating interim WBA minimumweight champion si Kokietgym bago umakyat ng timbang at 13 Pinoy boxer ang napatulog ng Thai star sa kanyang makasaysayang career, kabilang sina IBO light flyweight champion Rey Loreto, dating IBF Pan Pacific minumweight ruler Mateo Handig, ex-world rated Rey Megrino at dating WBC Asian Boxing Council Continental flyweight titlist Lionel Legada.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Napaganda ng tubong Misamis Occidental na si Espinas ang kanyang rekord sa 13-2-0, tampok ang siyam na TKO.