ISA sa mga pagsubok ngayong panahon ng Kuwaresma ay ang harapin ang araw-araw na hamon at parusa. Halimbawa, isang mister, na palaging nakikipagtalo sa kanyang asawa, ang umuwi sa kanilang tahanan mula sa simbahan, hinanap niya ang kanyang asawa at binuhat niya ito.
Sabi ng kanyang misis, “Bakit mo ginawa iyon? Sinabi ba sa’yo ng pari na maging romantic?”
Sumagot si mister: “Hindi! Sinabi niya na pasanin ko ang aking krus!”
Maaari nila itong gawin sa isa’t isa. Ngunit mas mabigat buhatin si mister!
***
Nitong Huwebes, ginunita natin ang ika-30 anibersaryo ng EDSA Revolution ngunit pasan-pasan pa rin ba natin ang socio-moral crosses na nagpapabagsak sa atin bilang nagkakaisang Pilipino?
Walang duda kung bakit sinabi ni yumaong Cardinal Sin, ilang buwan matapos ang EDSA I: “We have driven out Ali Baba and his 40 thieves. Now we have a new Ali Baba and 40 thieves.”
Nagbago na nga ang kurakot na gobyerno o pinalitan lamang ang mga kurakot na opisyales ng mga bagong kurakot?
Ayon nga sa Greek philosopher na si Plato: “Poverty consists not in the decrease of man’s possessions, but in the increase of one’s greed.”
Sinabi ng isa sa mga miyembro ng 1986 Constitutional Convention na si Florangel Rosario-Braid, ang Draft Constitution para sa komprehensibong pagbabago ay uubra lamang sa usaping sosyal, ekonomiya, pulitika at kapaligiran.
Ngunit pinagdiinan ni Rosario-Braid na, “Hindi magtatagumpay ang kahit anong istruktura kung hindi natin pinagtutuunan ng pansin at inaayos ang ating ugali at asal.”
Dahil sa ating kahinaan, kasakiman at iba pang kasamaan na tumatakbo sa isipan ng isang tao, sa man sinasadya, siya ay nagkakasala.
Base sa itinuro ng Diyos: “It’s not the things that come from outside that make a man unclean… From a man’s heart come the evil desires which lead him to rob, kill, commit adultery and do all sorts of evil things” (Mk 7.20).
(Fr. Bel San Luis, SVD)