Laro sa Biyernes

(San Juan Arena)

2 n.h. -- NU vs DLSZ (Game 3 )

Naantala ang selebrasyon ng National University nang singitan ng De La Salle-Zobel, 71-60, sa Game 2 ng UAAP Season 78 juniors basketball best-of-three finals nitong Biyernes sa San Juan Arena.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“We are just out to prove that we are a worthy challenger,” pahayag ni Junior Archers coach Boris Aldeguer.

Target ng Bullpups, nagwagi sa Game 1, na makamit ang titulo sa makasaysayang 16-game winning streak, ngunit naibasura ito ng Junior Archers.

Nagsilbing decoy si Season MVP Aljun Melecio para sa kakamping si Marco Sari na pumukol ng back-to-back three-point para mailatag ng Junior Archers’ ang 11-2 run sa panimula ng third period na nagbigay sa kanila ng 41-32 kalamangan.

Tumapos si Melecio na may 14 puntos at siyam na assist para sa Junior Archers.

Nanguna sa NU si John Lloyd Clemente na may 25 puntos habang nagtala si Justine Baltazar ng kanyang ika-13 double-double na kinabibilangan ng 15 puntos at 20 rebound.

Tatangkain ng Bullpups na maiuwi ang korona sa Game 3 sa susunod na Biyernes. (Marivic Awitan)