ASADABAD, Afghanistan (Reuters) – Patay ang isang Afghan militia commander at 10 iba pa matapos pasabugin ng suicide bomber ang probinsiya ng Kunar, malapit sa border ng Pakistan, nitong Sabado, ayon sa mga opisyal.

Ayon sa gobernador ng nasabing probinsiya na si Wahidullah Kalimzai, ang suicide bomber ay lulan ng motorsiklo nang pumasok sa government compound sa lungsod ng Asadabad. Aabot sa 40 ang nasugatan.

“Most of victims were civilians and children who were either passing by or playing in the park,” ayon kay Kalimzai.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture