Mga laro ngayon

(Smart-Araneta Coliseum)

4:15 n.h. -- Mahindra vs. NLEX

7 n.g. -- San Miguel Beer vs. Globalport

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Target ng Mahindra na masundan ang malaking panalo laban sa Philippine Cup champion San Miguel Beer sa pakikipagtuos sa NLEX sa unang laro ng double-header ngayon sa OPPO-PBA Commissioner’s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Masusubok ang katatagan ng Enforcer laban sa Road Warriors sa ganap na 4:15 ng hapon.

Asam naman ng Beermen na makabawi sa kahihiyan sa pakikipagtuos sa Globalport Batang Pier sa ganap na 7:00 ng gabi.

“We need to be consistent, yun ang laging nire-remind ko sa kanila,” pahayag ni Mahindra coach Chito Victolero. “The little things like boxing out, rebounds, extra pass.”

“Hindi kami dapat mag-rely sa kung ano ang kundisyon at kung ano ang lalaruin ng kalaban, kasi kami ang gumagawa ng journey naming kung ano yung gusto naming mapasakamay,” aniya.

Para naman sa Road Warriors, galing din sa panalo kontra Star Hotshots, 106-99, sisikapin nilang madala ang inspirasyon na dulot ng unang panalo sa liyamadong karibal. (MARIVIC AWITAN)