Handa at mas determinadong mga atleta ang bumubuo sa Cebuana Lhuillier-Philippine Davis Cup team na sasabak laban sa Kuwait para sa Asia-Oceania Group II tie.

Host ang Pinoy netter kontra sa Kuwaitis sa duwelo na nakatakda sa Marso 4-6 sa Valle Verde Country Club sa Pasig City. Target ng Davis Cupper na mangibabaw at muling makabalik sa Group 1 tie.

Pangungunahan ni Treat Huey, ranked No. 35 sa world sa men’s doubles, ang kampanya ng Pinoy na binubuo rin nina Ruben Gonzales, dating world juniors No. 9 Jeson Patrombon, at 2009 Australian Open juniors champion Francis Casey Alcantara.

Pangangasiwaan ni Karl Santamaria, head coach ng National University tennis team, ang koponan bilang non-playing captain.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“I think we have assembled the strongest team in recent years. It’s a great combination of experience and youth,” pahayag ni team manager Jean Henri Lhuillier.

“All of them have been campaigning actively and have been producing great results in recent international competitions the past months. All players can both play singles and doubles which will make it hard for our opponent to prepare for us. I strongly believe we will emerge victorious in this upcoming match versus Kuwait,” aniya.

Galing si Huey sa matikas na kampanya sa Australian Open mixed doubles kung saan umabot siya sa quarterfinals, habang si Gonzales ay aktibo sa mga torneo sa United States at Europe.

Lumilikha naman ng ingay si Patrombon sa ITF Futures tournaments sa Asia, habang si Alcantara ay tumapos na runner-up sa ITF Challenger tournament kamakailan sa Manila.