INAASAHANG sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagreretiro sa mga school bus na 15 taon pataas simula sa Abril 2016.
Ito ay base sa memorandum circular na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong 2013, na orihinal na itinakdang ipatupad nitong Enero ang old school bus phase out subalit ipinagpaliban ito hanggang Abril 2016.
Ang mga school bus na lagpas nang 15 taon ay hindi papayagang makapag-renew ng rehistro at maging ang Certificate of Public Convenience nito ay hindi na rin balido.
Ang mga lumang school bus na lalabag sa naturang kautusan ay pagmumultahin ng LTFRB ng P200,000 sa kasong operating out-of-line.
Tinatayang aabot sa 30,000 lumang school bus na nagsasakay ng may 600,000 estudyante ang nagpalit sa mga bagong bus unit dahil sa bagong patakaran ng gobyerno. (ARIS R. ILAGAN)