Pinatalsik ng University of the East (UE) ang mga estudyante na nakuhanan sa isang viral video na ginagawang basahan ang watawat ng Pilipinas, nitong Pebrero 22, 2016.

Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni Dr. Ester Albano Garcia, university president at chief academic officer, na magkaisang inaprubahan ng mga miyembro ng UE Board of Trustees ang dismissal ng nasabing high school students.

Gayunman, hindi inilabas ni Garcia ang pangalan ng mga estudyante at kung ilan silang pinatalsik.

“The students involved were meted the sanction of dismissal in view of the gravity of their infraction, which was not direct affront to the University of the East community but to the entire country’s ideals and traditions as well,” saad sa pahayag.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nangako rin ang unibersidad na palalakasin ang mga aktibidad na magkikintal ng paggalang sa watawat ng Pilipinas, at sa iba pang pambansang simbolo at huhubugin nang maayos ang mga estudyante nito. (Tessa Distor)