Mahigit 30 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa nagpapatuloy na pakikipaglaban ng bandidong grupo sa puwersa ng militar sa Maguindanao.

Ito ang sinabi kahapon ni Armed Forces of the Philippines (AFP) public affairs office chief Col. Noel J. Detoyato sa press briefing sa Camp Gen. Emilio Aguinaldo sa Quezon City.

Pebrero 5 pa nagsimula ang paglalaban ng dalawang panig makaraang salakayin ng BIFF ang proyektong pagawain ng gobyerno sa Butilen River sa Datu Salibo, Maguindanao.

Ayon kay Detoyato, sa kasalukuyan ay mahigit 30 tauhan ng BIFF ang napatay, batay sa natutukoy sa clearing operations at gamit na teknolohiya ng militar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“We have to drive away away ‘yung resistance ng mga armado para matapos yung [flood control] project,” ani Detoyato.

Una nang inihayag ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na napigilan ng mga Army explosives ordnance expert ang pagsabog ng may 100 improvised explosive device (IED) at iba pang booby trap ng BIFF sa Barangay Tee sa Datu Salibo.

Ayon pa kay Padilla, tatlong sundalo naman ang nasugatan sa isinagawang clearing operations.

Pinayuhan din ni Padilla ang mga lumikas na residente na hindi pa ligtas na magbalik sa Datu Salibo. (Elena L. Aben)