Yayanigin ng 92 kapana-panabik na sultada ang Pasay City Cockpit sa pagpalo ng 5th Leg 6-Cock ng 2016 Ultimate Fighting Cock Championships (UFCC) Circuit ngayon.

Magsisimula ang aksiyon ganap na 12:00 ng tanghali.

Mahigpit ang magiging labanan matapos maipanalo ng solo ni Jojo Cruz (JTC Kaingin) ang kampeonato ng 4th Leg noong nakaraang Lunes.

Nangunguna sa kampanya para 2016 UFCC Cocker of the Year si Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Farm), co-champion sa katatapos na World Slasher Cup, at si Dong Chung, na kapwa may 16 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagbabanta naman biguin ni Gerry Ramos (AAO Hitcock), dating kampeon ng World Slasher Cup, ang tangka ni Lagon at Chung para sa prestihiyosong titulo.

Pumapangalawa si Ramos sa kampanya na may 15.5 puntos. Bitbit naman ni Dorie Du (Araw ng Davao Mar. 12, 15, 17, 19 9-Cock 6P 20M Pot 1K) ang 15 puntos at Joey delos Santos (San Roque) ang 14.5 puntos sa 5th Leg upang hadlangan sina Lagon, Chung at Ramos sa pagsambot sa titulo.

Si Cruz na may 13.5 puntos ay tumatakbong pang-apat sa ginaganap na serye ng UFFC 6-Cock. Nasa likod niya si Gov. Eddiebong Plaza (EP RJM Roosterville) at Engr. Celso Salazar (Caswayne), na parehong may 13 puntos.

Si Rep. Jose Panganiban (Anac – IP Party-list sa May 9, 2016) ay may iskor na 12.5 puntos; Arman Santos (Jade Resort), 12.5 puntos; Jake Javier (Red Lakota), 12 puntos; Ka Ador (SAP) - 11.5; Fiscal Vilanueva/Eddieboy (Eboy Fiscalizer Big Event sa Pasay) - 11.5; Rey Morla (RSM Flash Bomba)- 11; Gerry Teves (Gerryboy Chanter) - 11; Ka Luding, Rey & Topher (LB Candelaria RCG) – 11.

Ang iba pang mga kalahok sa UFCC, isa sa pinakamalaki at pinakamahigpit na labanan sa bansa, ay kinabibilangan nina Atong Ang, Rep. Patrick Antonio, Alex Ty of Isabela, Allan Syiaco, Andy Ong (Adza Gamefarm), Anthony Lim, Art Atayde & Teng Ranola, Atty. Astorga, Nad Mendoza, Baham Mitra, Gov. Claude Bautista, Bebot Roxas,Rep. Unabia, Danny Soriano & Magno Lim, Nelson Uy, Eddie Gonzales, Eric dela Rosa, Gerry Teves, Homer, Ramon Atayde, Rey Briones, Ricky Magtuto, RJ Mea, Engr. Tony Marfori, Edwin Tose, at ang Pleasant Group.

Sa paanyaya ng Ultimate Fighting Cock Championships (UFCC), ang saga ng matitinding labanan ay hatid ng Resorts World – Manila, Solaire Resorts & Casino at Thunderbird Platinum.