DALAWANG grupo ng fans ang nalungkot sa paglantad ni Jake Vargas na may bago na siyang girlfriend. 

Ipinakilala niya via Instagram ang non-showbiz GF na si Cella Mendoza by posting their picture na magkasama sa kanyang kotse.

Ang caption ni Jake sa picture nila ay, “You are the reason I smiled again” at naka-smile nga silang dalawa. Sabi ng fans ni Jake, hindi si Cella ang girl na pinagselosan ni Bea Binene at isa sa mga rason ng kanilang break-up.

Anyway, ang dalawang grupo ng fans na nalungkot sa pagkakaroon ni Jake ng bagong GF ay ang JaBea fans na umaasang magkakabalikan pa rin sila ni Bea. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinangako raw ito ni Jake sa kanila, kaya naman umasa sila.

Ang isa pang grupo na nalungkot ay ang JhaLie fans nila ni Julie Anne San Jose na umasang magiging real ang reel love team nila sa Pepito Manaloto at Buena Familia.

Sorry na lang sa JaBea at Jhalie fans dahil naka-move on na si Jake sa breakup nila ni Bea at sila naman ni Julie ay magka-love team lang at magkaibigan. - Nitz Miralles