Ginapi ng National University ang De La Salle Zobel, 78-58, sa Game One ng UAAP juniors basketball tournament best-of-three finals nitong Biyernes sa The Arena sa San Juan.

Kumana si John Lloyd Clemente ng 16 na puntos, habang kumubra si Justine Baltazar ng 15 puntos at humugot ng 27 rebound at 4 na blocks para ilapit ang Bullpups sa isang panalo para kumpletuhing walisin ang liga.

Tinapos ng NU ang elimination round na may 14-0 marka.

Nadomina ng Bullpups ang tempo ng laro kung saan nahila nila ang bentahe sa pinakamalaking 31 puntos, 70-39 , sa final period.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Sa kabila nito, ipinahayag ni NU coach Jeff Napa na walang lugar ang kumpiyansa hangga’t hindi natatapos ang kampanya.

“Hindi pa tapos ang laban, may kailangan pa kaming tapusin talaga,” aniya. “Still, day in and day out all out pa rin sa Game Two kasi alam naman namin ‘yung Zobel, kahit anong mangyari they will come out strong pa rin.”

“Walang superstar ‘tong team na ‘to,” pahayag ni Napa.

“Basta they’re just doing their job sa offense and defense,” patungkol sa pantay na naiskor ng starter at bench player ng NU sa 35-35.

Nanguna sa DLSZ si season MVP Aljun Melecio na may 15 puntos, 7 rebound, 6 na assist at isang steal, habang kumana sina Marco Sario at MR Romero ng tig-10 puntos.

Target ng NU na makopo ang kampeonato sa Game 2 sa susunod na Biyernes.

Iskor: NU 78

Clemente 16, Baltazar 15, Penano 12, Sarip 7, Jugar 5, Manalang 5, Atienza 4, Tolentino 4, Beldue 3, Callejo 3, Amsali 2, Coyoca 2, Fortea 0, Mosqueda 0, Careng 0

DLSZ 58

Melecio 15, Sario 10, Romero 10, Mariano 8, Fortuna 6, Cabarrus 4, Sobrevega 3, Pariaso 2, Rabat 0, Francisco 0, Tongco 0

Quarterscores: 22-13, 40-22, 62-39, 78-58