Warriors, tinupok ng BlazersPORTLAND, Oregon (AP) — Mula sa mahabang pahinga para bigyan daan ang All-Star Weekend, mainit ang opensa at mataas ang kumpiyansa ng Portland TrailBlazers, sa pangunguna ni Damian Lillard, para ipalasap sa defending champion Golden State Warriors ang isa sa pinakamasaklap sa limang kabiguan ngayong season, 137-105, Biyernes ng gabi (Sabado sa Manila).

Hataw si Lillard, naisnab sa All-Stars, sa iskor na career-high 51 puntos, tampok ang pitong 3-pointer, 7 assist at 6 na steal para makopo ang ikaapat na sunod na panalo.

Nag-ambag si C.J. McCollum sa nakubrang 21 puntos at pitong assists.

Nanguna si Stephen Curry sa Warriors (48-5) sa naiskor na 31 puntos at 5 assist, habang tumipa si Draymond Green ng 14 puntos, 12 rebound at 8 assist, ngunit nagtala ng 9 na turnover para maputol ang 11-game winning streak ng Warriors.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

BULLS 116, RAPTORS 106

Sa Chicago, naitala ni Doug McDermott ang career-high 30 puntos sa panalo ng Bulls kontra Toronto Raptors.

Hataw din sina Derrick Rose sa natipang 26, habang kumana si Pau Gasol ng 18 puntos at 11 rebounds para putulin ng Bulls ang five-game losing skid.

Abante ang Raptors, nangunguna sa Atlantic Division, ngunit nakabitiw sa bentahe sa third period.

Nanguna si Kyle Lowry sa Raptors na may 27 puntos, habang tumipa si Jonas Valanciunas ng 25 puntos at 12 rebounds, at kumana si DeMar DeRozan ng 22 puntos.

HEAT 115, HAWKS 111

Sa Atlanta, naisalba ng Heat ang matikas na Atlanta Hawks, sa kabila nang hindi paglalaro nina All-Star Dwyane Wade at Chris Bosh na kapwa may injury.

Ratsada sa Heat si Luol Deng na may 30 puntos, habang kumana si Josh McRoberts ng 19 puntos.

MAGIC 110, MAVS 104 (OT)

Sa Orlando, Florida, ratsada si Victor Oladipo sa naiskor na 17 puntos at nahugot na career-high 14 rebound, sa panalo ng Magic kontra Dallas Mavericks sa overtime.

Nagawang makalusot ng Magic, sa kabila ng impresibong opensa ng Mavericks na bumira ng bagong franchise record na 19 3-pointer.