MGA Kapanalig, isa sa mga panukala na sinasabing nabigo ang administrasyong Aquino na maisabatas sa Kongreso ay ang tinaguriang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon sa mga masigasig na nagsulong nito, una na ang peace panel ng ating gobyerno sa usaping pangkapayapaan sa kilusang Moro Islamaic Liberation Front (MILF), ang batas na ito ay mahalagang hakbang upang maipatupad ang mga napagkasunduan ng pamahalaan at ng MILF. Kung naipasa umano sana ito, mangangahulugang ang buong gobyerno ng Pilipinas, na kinakatawan ng Kongreso, ay nagbigay ng kanyang pagsang-ayon sa mga nilalaman ng kasunduan sa pagitan ng peace panel at MILF.

Habang tinatalakay noon ang panukalang batas sa BBL, maraming Pilipino ang nagsimulang mabuksan ang isipan sa kahalagahan ng usaping pangkapayapaan, lalo na sa rehiyon ng Mindanao. Malinaw na ang malaking balakid sa kaunlaran ng Mindanao ay ang walang tigil na labanan ng militar at ng iba’t ibang grupo tulad ng NPA, MILF, MNLF, Abu Sayyaf, at ngayon ay mayroon na ring Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Marami sa mga probinsiya ng Mindanao ang pinakamahirap sa ating bansa. Ang mga nakatira sa mga kabundukan ay hindi nararating ng mga serbisyong dapat natatanggap ng mga mamamayan mula sa gobyerno. Bakit? Dahil sa kakulangan ng imprastruktura, na dahil na rin sa kawalan ng kapayapaan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Tunay ngang marami ang nanghinayang na hindi napasa ang BBL, at ang palatandaan nito, mga Kapanalig, ay ang maraming Pilipino ang naghahangad at umaasa sa pagkakaroon ng kapayapaan. Sinasabi sa atin ng simbahan na ang kapayapaan ay hindi lamang isang pagpapahalagang Kristiyano kundi isang tungkulin. Sinulat ni Papa Paolo VI sa Populorum Progressio na ang kapayapaan ay dahan-dahang naitatayo sa bawat araw sa pagpupunyagi ng mga taong itatag ang isang lipunang naaayon sa kalooban ng Diyos. Yayabong lamang ang kapayapaan kung kikilalanin ng lahat na pananagutan ng natin ang isulong ito.

Pero paano nga ba magkakaroon ng tunay na kapayapaan, mga Kapanalig? Ayon sa Gaudium et Spes, ang kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng giyera. Hindi ibig sabihin na kapag wala na ang bangayan ay mayroon nang kapayapaan.

Sumainyo ang katotohanan. (Fr. Anton Pascual)