Sakaling mapatunayang may mali sa computation, posibleng ipag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na magpatupad ng refund ang Meralco sa dagdag singil sa kuryente ngayong buwan.

Ayon kay ERC Spokesperson Atty. Florisinda Digal, kapag may nakitang mali sa computation at diskarte ng Meralco sa pagpataw ng dagdag na 42 sentimo sa kada kilowatt hour, ay ipag-uutos nila ang refund.

“Kinakailangan kasi na mapatunayan ng Meralco na ginawa nila ang lahat para ‘least cost’ ang maipataw na dagdag singil sa kuryente,” wika ni Digal.

Nagsumite na ang Meralco ng paliwanag hinggil sa nasabing power rate hike at pag-aaralan ito ng ERC, na posibleng tumagal ng isang buwan. (Beth Camia)

Relasyon at Hiwalayan

Julia sa pagmamahal ni Marjorie kay Gerald: 'I really appreciate it!