Kinansela na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng Valisno Express Bus na nasangkot sa aksidente sa Quezon City, na ikinasawi ng apat na katao at ikinasugat ng mahigit 30 iba pa, noong nakaraang taon.

Ang kautusan ay inilabas ng LTFRB anim na buwan ang nakalipas matapos na sumalpok ang nasabing bus sa isang concrete marker sa Quirino Highway, Quezon City, malapit sa hangganan ng Caloocan City, noong umaga ng Agosto 12, 2015.

Matatandaang agad na pinatawan ng LTFRB ng 30-day preventive suspension ang buong fleet ng bus company ilang oras matapos ang insidente.

Ikinatwiran ng ahensiya na sa panahon ng suspensiyon ng operasyon ng naturang kumpanya ay nabigo ang may-ari nito na sumunod sa kanilang kautusan. (Rommel P. Tabbad)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho