ARIES [Mar 21 - Apr 19]

Maganda ang araw na ito para magkaroon ng new friends, or practically start something new. Tiyaking matino ang new beginning mo’ng ito, okay?

TAURUS [Apr 20 - May 20]

Desidido ka talaga sa isang dangerous undertaking. Go! Pero tiyaking hindi ka magiging parasite sa paglimos ng tulong ng iba.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

GEMINI [May 21 - Jun 21]

Dadalo ka sa isang important meetings/discussions/agreements, na hindi mo mae-enjoy. Anyways, may ma-accomplish ka naman, so magpanggap ka na lang na attentive.

CANCER [Jun 22 - Jul 22]

Busy ka ngayon sa sketch ng contemplated circles ng mga problemang wala pa man ay pinoproblema mo na. Mahusay!

LEO [Jul 23 - Aug 22]

Sumunod ka naman sa rules, for a change. Sisimulan mo ang isang project, ito na rin ang buena mano mo, so, go!

VIRGO [Aug 23 - Sep 22]

Iwasang bumigay sa hustle and chaos na nakapaligid sa ‘yo today. Relax! Madadagdagan lang ang wrinkles mo n’yan.

LIBRA [Sep 23 - Oct 22]

Very productive ang araw na ito for you. Make sure na katabi mo ang coffee maker.

SCORPIO [Oct 23 - Nov 21]

Clear and organized ang iyong thought process today. Perfect timing sa paggawa mo ng budget plans. Ang tanong, may iba-budget ka ba?

SAGITTARIUS [Nov 22 - Dec 21]

Masyado kang madaldal at curious today, ikaw mismo ang magugulat sa sarili mo. Anong meron?

CAPRICORN [Dec 22 - Jan 19]

Solitary meditation sa isang quiet corner ang drama mo today. Sa totoo lang, hindi bagay sa ‘yo.

AQUARIUS [Jan 20 - Feb 18]

Enjoy mo ang free communication sa mga taong nakapaligid sa ‘yo. Obserbahan mo sila isa-isa, may traydor d’yan, sure.

PISCES [Feb 19 - Mar 20]

Huwag kang masyadong bilib sa sarili, kakailanganin mo today ang tulong ng ibang tao. At siya ay si…