Pebrero 16, 1997 nang si Jeff Gordon ang maging pinakabatang nagkampeon sa Daytona 500 event ng National Association for Stock Car Auto Racing (NASCAR) nang panahong iyon, sa edad na 25. Iniuwi niya ang mahigit $377,000 halaga ng premyo. Ang event, na tinaguriang “Super Bowl of Stock Car Racing”, ay may 200 laps, at saklaw ang 500 milya.

Humarurot si Gordon sa average speed na 148.295 milya kada oras, at minaniobra ang kanyang No. 24 Chevrolet Monte Carlo car. Runners up ang mga kagrupo ni Gordon na si Terry Labonte, pumangalawa sa kanya, habang nasa ikatlong puwesto si Ricky Craven, at maingat nilang naiwasan ang 12 wasak na sasakyan sa race track.

Inilarawan ng NASCAR.com si Gordon bilang “a veritable babe in a field.” Isinilang siya sa California noong Agosto 4, 1971, at nagkaroon ng interes sa karera sa murang edad. Una siyang kumarera sa Winston Series (ngayon ay Sprint Cup) ng NASCAR, at nanalong Rookie of the Year noong 1993.

Human-Interest

ALAMIN: Ang 2025 sa ilalim ng Year of the Wooden Snake