SYDNEY (AP) — Nasabat ng mga awtoridad ng Australia ang methylamphetamine na nagkakahalaga ng 1.26 billion Australian dollars (US$900 million), ang pinakamalaking nasamsam na illicit drug sa liquid form nito, sinabi ng mga opisyal kahapon.
Apat na Hong Kong passport holder ang inaresto sa Sydney noong nakaraang buwan sa pag-aangkat mula sa China ng 720 litro ng droga na itinago sa mga kahon ng silicon bra inserts at art supplies, sinabi ng pulisya sa isang pahayag.
Ang likido ay kayang gumawa ng 500 kilo ng high-grade crystal meth (shabu), na kilala sa Australia bilang ice, ayon kay Australian Federal Police Commander Chris Sheehan.
Nakasamsam din sila ng dalawang kilo ng shabu.