brady-conlan-021216 copy

SYDNEY (AP) – Pormal na namaalam ang Team Philippines sa 2017 World Baseball Classic qualifiers nang makopo ang ikalawang sunod na kabiguan, sa pamamagitan ng 7-17 pagkatalo sa New Zealand Biyernes ng gabi sa Blacktown International Sportspark dito.

Tinampukan ni Boss Moanaroa, mainstay sa Australia major league, ang three-run homer para makumpleto ng Kiwis ang six-run sa sixth inning at maitarak ang come-from-behind win laban sa Pinoy.

Impresibo ang Pinoy batters sa unang bahagi ng laro kung saan nakuha nila ang 7-4 bentahe sa kalagitnaan ng ikaanim na inning.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Unti-unting nakahabol ang New Zealand sa malamyang pitching ng Pinoy kung saan naibigay ni dating New York Yankees prospect Taylor Garrison ang ‘walks’ sa Kiwis bago ang home run ni Moanaroa, tumapos na may pitong RBIs.

Nauna rito, natalo ang Philippines sa host Australia sa 1-11 mercy rule nitong Huwebes.

Bunsod ng panalo, makakaharap ng New Zealand ang South Africa, nagwagi laban sa Australia. Batay sa tournament regulation, ang magwawagi sa four-country qualifying ay makakausad sa 2017 World Baseball Classic.

"This was basically our last chance," sambit ni Moanaroa. "We said in the changing room ... 'let's enjoy it and have fun.' And that's what we did."