US, lusot sa International team sa NBA Rising Stars Challenge.

TORONTO (AP) — Malaking kawalan sa NBA ang pagreretiro ni Kobe Bryant, ngunit sa ipinamalas na husay at talento ng Rising Stars, tunay na may dapat abangan ang basketball fans.

Higit pa sa inaasahan ang nasaksihan ng mundo sa Rising Stars Challenge ng NBA All-Stars weekend nitong Biyernes ng gabi (Sabado sa Manila), na napagwagian ng US Team kontra World Team, 157-154 sa Air Canada Center dito.

Sa larong nagtampok sa pinakamahuhusay at ‘electrifying’ sophomore at rookie player, nangibabaw si Zach LaVine ng Minnesota Timberwolves sa naiskor na 30 puntos at 7 rebound para makopo ang MVP award.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nanguna sa Worlds si Kristaps Porzingis, ang rookie sensation ng New York Knicks, sa naiskor na 30 puntos, habang kumana si Emmanuel Mudiay ng 30 puntos at 10 assist.

Nagtumpok ang local hero na si Andrew Wiggins ng 29 na puntos sa larong nagpatunay na may kinabukasan ang NBA matapos ang career ng Bryant.

Nag-ambag si Los Angeles Lakers sophomore Jordan Clarkson ng 25 puntos para sa Americans.

Dumadagundong ang Air Canada sa hiyawan ng mga tagahanga, higit sa sandaling hawak ni Wiggings ang bola. Si Wiggins, tinaguriang ‘Maple Jordan’, ang premyadong player ng Canada at inaasahang mangunguna sa kampanya ng Toronto Raptors sa kauna-unahang NBA title.

Ngunit, nakuha ng Wolves ang pagkakataon nang piliin siyang No.1 pick sa nakalipas na NBA drafting. Bukod sa kanya, sentro din ng atensyon ang itinuturing na ‘future’ ng liga na sina Karl-Anthony Towns, Elfrid Payton, at Jabari Parker.

Nag-ambag si Phoenix Suns rookie Devin Booker ng 23 puntos para sa US Team, habang kumana si Towns ng 18 puntos sa laro na tinampukan ng kahanga-hangang ‘dunk’ at outside shooting, tampok ang limang 3-pointer ni Porzingis.