Inimbitahan kahapon ng Pasay City Police ang ina ng itinuturong suspek sa pagpatay sa isang propesor sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa loob ng condominium unit nito sa lungsod nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay Pasay City Police chief, Senior Supt. Joel Doria, pansamantalang hindi pinangalanan ang ina ng suspek na si Jerome Salin, 22, pedicab driver, na target ngayon ng follow-up operation ng pulisya.

Dakong 7:55 ng gabi nitong Miyerkules nang madiskubre ang duguang bangkay ni Isagani Santa Maria, 57, hiwalay sa asawa, na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, sa ikalawang palapag ng Greenery Building, One Metropolitan Condominium sa may Edang Street, Barangay 153, Zone 16, Malibay.

Nabatid na nawawala ang mga personal na gamit, kabilang ang wallet at cell phone, ng biktima kaya pagnanakaw ang anggulong sinisiyasat ng awtoridad.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinausap ni Doria ang ina ng suspek upang pakiusapan ang anak nito na sumuko na lang sa awtoridad. (Bella Gamotea)