Isang bagong silang na babae ang inilagay sa loob ng isang bag at sadyang iniwan ng isang hindi pa nakikilalang tao sa harap ng isang medical clinic sa Barangay Gulang-Gulang sa Lucena City, Quezon, nitong Huwebes ng madaling araw.

Ayon sa mga ulat, dakong 4:00 ng umaga nang marinig ang iyak ng sanggol ng mga naglalakad sa harap ng Nañagas Clinic sa lugar, at nang kanilang silipin ang bag ay nakita nila ang sanggol.

Dinala ang sanggol sa emergency room ng Quezon Medical Center at ini-report din sa pulisya ang insidente upang agad masimulan ang imbestigasyon.

Nasa kostudiya na ng Medical Social Service ng Quezon Medical Center ang sanggol para sa kaukulang disposisyon.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

(Danny J. Estacio)