Mga laro ngayon

(McKinley Hill Stadium)

1 n.h. – Ateneo vs FEU (Men)

4 n.h. – FEU vs DLSU (Women)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

7 n.g. – DLSU vs UP (Men)

Binokya ng National University ang University of the East, 4-0, para patatagin ang kampanya sa kauna-unahang titulo sa UAAP Season 78 men’s football tournament, kamakailan sa Moro Lorenzo Field sa Ateneo campus.

Naghahangad na makaangat mula sa ikalimang puwestong pagtatapos sa nakalipas na season, umaarangkada ang Bulldogs para mailista ang kasaysayan sa sports.

Nauna rito, ginapi ng University of Santo Tomas ang Adamson University, 2-1,upang humanay sa NU at De La Salle sa liderato.

Nagtala si Nico Macapal ng goal sa ika-85 minuto mula sa cross pass ni rookie Marvin Viray para selyuhan ang panalo ng NU.

“I’m satisfied with the result but not the game itself. Konti lang ang lumabas sa gameplan, we need to improve our system,” ani Bulldogs coach Wilhelm Laranas.

Nauna nang sinimulan ni Lawrence Colina ang scoring sa ika-37 minuto ng first half na nasundan makaraan ang tatlong minuto mula kay Paolo Senga.

Umiskor naman para sa Tigers si rookie AJ Pasion sa ika-40 minuto na sinundan ni Darwin Busmion makaraan ang pitong minuto.

Nakaiwas naman ang Adamson sa shutout nang maka-goal si Jusuel Pilarca sa ika-80 minuto. (MARIVIC AWITAN)