Naungusan ng Philippine Merchant Marine School ang Mapua, 113-105, sa overtime, 113-105, para makahakbang palapit sa target na sweep sa elimination round ng 12th Fr. Martin Cup Collegiate Open basketball tournament, kamakailan sa Far Eastern University gym sa Morayta, Manila.

Nagtala ng 6 na puntos si Jerome Ortega sa extra period para sandigan ang Mariners sa ikalimang sunod na panalo sa Group A.

Sa iba pang laro, umiskor si Bright Akhuetie ng 19 na puntos para pamunuan ang University of Perpetual sa paggapi sa Letran College-A ,74-63, at maitala ang ikatlong panalo sa apat na laro sa Group B.

Nagtapos na topscorer si Jess Quilatan na may game-high 20 puntos para sa Mariners.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagposte naman si Francesco Asuncion ng 18 puntos para pangunahan ang Ateneo Blue Eagles sa kanilang 66-63 panalo laban sa Manuel L. Quezon University Stallions.

Sumandig naman ang Letran- B kina Ichie Altamirano at Julius Tiburcio na tumapos na may 22 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod, nang padapain ang Far Eastern University-B, 84-81. (Marivic Awitan)