JAKARTA (Reuters) - Isang malakas na lindol ang yumanig malapit sa isla sa silangang Indonesia na naging dahilan ng pagkawala ng linya ng telepono, radio communications, at hindi madaanan ang mga kalsada nitong Biyernes. Wala namang naiulat na nasaktan, ayon sa mga residente na kinumpirma kahapon ng isang opisyal ng gobyerno.

Ayon sa U.S. Geological Survey, ang 6.5 magnitude na lindol ay may lalim na 30 kilometro (18 milya) at naiulat na nasa tatlong kilometro (2 milya) ang layo mula sa Andekantor, sa isla ng Sumba sa probinsiya ng East Nusa Tenggara.

Nang tanungin kung may mga nasaktan, “Not yet” ang sagot ni Sutopo Purwo Nugroho, tagapagsalita ng National Disaster Mitigation Agency, sa Reuters kahapon.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'