Nagkasundo ang Government of the Philippines (GPH) at ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace panels nitong Huwebes na i-renew ang mandato ng Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG) na magpatupad ng security mechanisms sa magugulong lugar sa Mindanao.

Sa dalawang araw na special meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia, nagkasundo ang magkabilang panig na palawigin ang ceasefire mechanism hanggang sa Marso 31, 2017.

Ayon sa joint statement, kapwa nakita ng GPH at MILF ang mahalagang kontribusyon nito “in isolating and interdicting criminal syndicates/kidnap-for-ransom groups and terrorist groups operating in Mindanao.”

Idinagdag ng pahayag na ito ay bahagi ng mga pagsisikap na mapangalagaan ang mga nakamit ng mahigit 17 taong mga negosasyon, at paraan upang maisulong ang prosesong pangkapayapaan sa Bangsamoro matapos hindi naipasa sa 16th Congress ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang AHJAG ay isang cooperative mechanism na naitatag noong Mayo 2002, sa pamamagitan ng joint communiqué ng GPH at MILF at pormal na inorganisa noong 2005.

Kinikilala rin ng magkabilang partido ang International Monitoring Team (IMT) sa epektibong pagsusubaybay sa implementasyon ng pagtigil sa mga sugupaan sa pagitan ng puwersa ng GPH at MILF. (PNA)