Tiniyak sa Kamara ng Department of Labor and Employment (DoLE) na hindi magkakaroon ng labor crisis sa bansa sa kabila ng malawakang tanggalan sa trabaho ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Middle East.

Ito ang napag-alaman mula sa mga opisyal ng House labor committee sa gitna ng mga ulat na 1.5 milyong OFW ang posibleng maaapektuhan ng tanggalan ng trabaho sa mga bansa sa Middle East resulta ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa nag-uumapaw na supply.

Ayon sa Kamara, iniulat ng DoLE sa komite na malabo ang senaryong ito. Gayunman, mayroon nang nakahandang livelihood package ang ahensiya para sa mga Pinoy na mawawalan ng trabaho sa Middle East. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?