MUNICH, Germany (AFP) – Nagkasundo ang world powers nitong Biyernes sa ambisyosong plano na itigil ang mga digmaan sa Syria sa loob ng isang linggo at pabilisin ang humanitarian access at mga pag-uusap sa Munich upang maipagpatuloy ang peace process.
Nagkaisa ang 17 bansa “to implement a nationwide cessation of hostilities to begin in a target of one week’s time,” pahayag ni US Secretary of State John Kerry matapos ang mga pag-uusap kasama si Russian Foreign Minister Sergei Lavrov.
Nagkasundo rin ang International Syria Support Group “to accelerate and expand the delivery of humanitarian aid beginning immediately”, dagdag ni Kerry.