Tiniyak ng Malacañang na mayroong comprehensive compensation package sa mga empleyadong maaapektuhan ng merger ng Land Bank of the Philippines (LBP) at ng Development Bank of the Philippines (DBP).

Inaprubahan ni Pangulong Aquino ang merger sa pamamagitan ng Executive Order No. 198 upang palakasin ang financial capabilities at pabutihin ang paghahatid ng mga serbisyo. Isa sa mga binanggit na dahilan ang duplication at overlapping of functions ng dalawang bangko ng gobyerno.

Sa EO na nilagdaan noong Pebrero 4, inatasan ng Pangulo ang Governance Commission for Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na ipatupad ang merger, reorganization plan gayundin ang compensation and position classification system para sa mga pag-iisahing bangko alinsunod sa principles and standards ng GOCC Governance Act of 2011.

Bukod sa separation and retirement benefits, ang mga empleyado na mahihiwalay sa serbisyo ay bibigyan ng Merger Incentive Pay (MIP) depende sa haba ng kanilang serbisyo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang mga empleyado naman na pananatilihin, ay hindi magdurusa sa “break in service or tenure, or any diminution of salaries and lawful benefits,” saad sa presidential directive. (Genalyn Kabiling)