Lumaki ang tsansa ng Philippine Davis Cup Team Cebuana Lhuillier na makabalik sa Group 1 matapos ibigay sa bansa ang hosting para sa Oceania Davis Cup tie.
Sinabi ni Philippine Lawn Tennis Association (PHILTA) Vice President at Davis Cup Administrator Randy Villanueva na gagawin sa Manila ang lahat ng laban ng Pilipinas sa Group 2 tie.
Dahil dito, nakasalalay kina doubles specialist Treat Conrad Huey at Francis Casey Alcantara ang kampanya ng bansa simula sa laban kontra Kuwait sa Marso 4-6, sa Valle Verde Country Club sa Pasig City.
Si Huey, umangat sa top 30 ang ranking sa mundo matapos ang kanyang pagtuntong sa quarterfinals at semifinal sa men’s doubles at mixed doubles sa ginanap na Australian Open kamakailan, habang si Alcantara ay nakakuha ng ATP points matapos ang kanyang ikalawang puwesto na pagtatapos sa nakaraang ATP Challenger dito sa Maynila.
Maliban kina Huey at Alcantara, inaasahan din na maisasama sa Davis Cup team sina Ruben Gonzales at ang numero uno sa bansa na si Jeson Patrombon. (ANGIE OREDO)