ANG laking push sa kandidatura ni Leni Robredo na tumatakbo para bise-presidente ng bansa ang pagpo-post ni Kris Aquino sa Instagram (IG) ng picture nila kasama sina Bimby at Josh. Simple lang ang caption ni Kris sa picture na, “Brave... Simple... Trustworthy... HONEST” pero malakas ang dating.

The last time we checked, after a few hours na nai-post ang picture, umakyat na kaagad sa 14,2012 ang likes at 336 ang comments na puro positive. Iboboto nila si Leni, lalo na ngayong suportado siya ni Kris.

Samantala, sa blog ni Kris na may title na What SILENCE Taught Me, sinabi ni Kris ang rason kung bakit ilang araw siyang hindi nagparamdam sa social media at kung bakit nag-replay ang KrisTV ng ilang episodes. Mahaba ang paliwanag ni Kris sa absenece niya sa IG, pero may binanggit siyang “professional issues we needed to resolve.”

May sinabi rin niyang, “Natuto na ‘ko that by being outspoken and sharing details with all of you, mas mahaba ang proseso at mas malabong maayos sa mahinahon at mature na paraan.” 

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

May followers si Kris na nagtanong kung tungkol sa career o sa personal life ba ang tinutukoy niya.

“That doesn’t mean that you are unimportant to me. The truth is I would never have become me had you not given me consistent support. But life has taught me that I should share with you my work, the process that goes hand in hand with my work, the “paying forward” aspect of sharing my blessings, and certain snippets of our family life that will hopefully inspire you. The rest of my life, I owe to my siblings and sons to keep among us. Alam n’yo na pinaka-sensitive ako when it comes to my family, somehow ‘pag sila ang tinitira, no matter how much I want to ignore the bashers and haters, the part of me that needs to stand up and defend my loved ones is unleashed, and bahala na si Batman, lalaban ako.

“This time was different, I knew that by containing the situation -- there was a very big chance that I would have a much stronger opportunity of fixing everything where everybody would feel blessed, and there won’t be anything that I would need to later on clean up.”

Lalaktawan namin ang ibang parte ng blog ni Kris at lumukso tayo sa desisyon niya to be a little secretive sa ibang parte ng kanyang buhay.

“The challenge now is to stay fascinating while keeping a little of myself for me... I used to not believe the sayings ‘Magtira ka para sa sarili mo’ as well as ‘Don’t give too much, don’t love too much, don’t trust too much, don’t hope too much -- because the too much can hurt you so much.’ Now, I see the wisdom of those words.”

Malinaw ang ipinupunto ni Kris sa kanyang blog, hindi na siya masyadong magsi-share lalo na tungkol sa kanyang personal life at sa mga personal na bagay tungkol kina Bimby at Josh at sa kanyang pamilya at tiyak, naiintindihan ng lahat ng kanyang followers ang desisyon niyang ito. (Nitz Miralles)