Junemar Fajardo

Ni Marivic Awitan

Muling tatanggap ng parangal mula sa Philippine Sportswriters Association (PSA) si San Miguel Beer slotman June Mar Fajardo sa gaganaping Annual Awards Night sa Pebrero 13 sa ONE Esplanade.

Ang 6-foot-10 na si Fajardo, itinuturing pinakamahalagang susi sa tagumpay ng Beermen sa liga, higit sa katatapos na PBA Philippine Cup kung saan nakabangon ang Beermen mula sa 0-3 pagkadapa para sa makasaysayang kampeonato. Nakamit niya ang back-to-back MVP.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang ikalawang sunod na taon na nakamit ni Fajardo ang parangal para sa basketball sa programang itinatuguyod ng Milo, San Miguel at Philippine Sports Commission.

Kasama ni Fajardo na pararangalan at napili bilang Executive of the Year si Alaska team owner Wilfred Steven Uytengsu.

Pararangalan naman bilang mga pangunahing awardees sa amateur basketball sina Rey Mark Belo ng Far Eastern University at Mark Cruz ng letran , kapwa Finals MVP sa kani-kanilang liga sa nakalipas na season.

Kasama nila ang 11 pang mga atleta na nagpamalas nang di-malilimutang kakayahan sa kani-kanilang mga sports sa programang suportado rin ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Senador Chiz Escudero, SM Prime Holdings, MVP Sports Foundation, Smart, Maynilad, National University, One Esplanade, Rain or Shine, Globalport, Philippine Basketball Association, at Philippine Amusement and Gaming Corp.

Kabilang sa nasabing mga atleta sina Southeast Asian Games sprint double gold winner Eric Shawn Cray, pool teen sensation Chezka Centeno, cycling champion Santy Barnachea, Cyna Rodriguez at Princess Mary Superal sa golf, at rider na si Raniel Resuello.

Kasama rin nila sina wushu world championship gold medal winner Divine Wally at Arnel Mandal, jockey Jonathan Hernandez, at ang tennis pair nina Katharina Lehnert at Alberto ‘AJ’ Lim.

Nangunguna naman sa honor roll list ang mga world boxing champions na sina Nonito Donaire Jr. at Donnie Nietes,at Asian Tour winner Miguel Tabuena, bilang mga Athletes of the Year.

Bibigyan din ng parangal si national coach Tab Baldwin at ang Gilas Pilipinas team na tumapos na runner-up noong nakaraang FIBA-Asia Men’s Championship sa Changsha, China bilang recipient ng President’s award ang Wushu Federation of the Philippines bilang National Sports Association (NSA) of the Year, at ang sports great na si Filomeno ‘Boy’ Codinera na gagawaran ng Lifetime Achievement Award.

Muli ding kikilalanin ang tanyag at mahusay na manlalaro ng volleyball na si Alyssa Valdez bilang Ms. Volleyball habang sina Terrence Romeo at Calvin Abueva ang magkasalo naman sa award bilang Mr. Basketball.

Pagkakalooban naman ng citations ang mga gold medallist sa Southeast Asian Games at Para Games.

Bahagi din ng programa ang pamamahagi ng Posthumous award at Tony Siddayao award para sa mga outstanding athletes na edad 17-pababa at MILO Outstanding Athletes